Ang Rizal Technological University ang winningest squad sa 38th WNCAA sports festival habang napanatili ng Miriam College ang kanilang junior taekwondo crown.
Napanatili ng RTU ang kanilang titulo sa senior taekwondo at table tennis at inagaw nila ang krona sa College of St. Benilde sa swimming sa four-event tournament.
Sa kabuuan, ang RTU ay mayroon nang limang titulo sa WNCAA matapos mamayani sa Senior B basketball at senior futsal.
Nagbulsa ang RTU jins ng pitong gold, tatlong silver at tatlong bronze medals habang ang runner-up na St. Scholas-tica’s College ay may 2-2-3 tally, lamang ng isang gold sa third placer na Lyceum, 1-5-3.
Tinanghal na senior Most Valuable Players na puro taga-RTU ay sina Michelle Monterey (taekwondo), Danister Go (table tennis) at tanker Hazel Ecleo na nagbulsa ng apat na gold medals.
Sa badminton, nakopo ng Miriam ang midget title, nanatili ang La Salle College Antipolo na junior champion at inagaw ng CSB ang senior championship mula RTU.
Napanatili naman ng St. Stephen’s High School at St. Scho ang kanilang midget at junior swimming crowns, ayon sa pagkakasunod habang nakabawi ang RTU sa CSB nang maagaw nila ang senior title.
Nakopo ni Thea Mari Caluma ang second runner-up Miriam swimming special award sa midgets division matapos ang kanyang 2-gold, 1-silver, 1-bronze effort, habang nakuha naman ni Hanna Datu ng SBCA, second runner-up din, ang junior award sa kanyang 3-gold, 1-silver performance.
Muling sumegunda ang CSB sa likod ng RTU sa senior table tennis habang ang runner-up noong nakaraang taon na Philippine Women’s University ay bumagsak sa third place sa 38th season ng WNCAA na suportado ng adidas, Solar Sports, Petron, Molten, Mikasa, Digipost, 103.5 Crossover, Goody, TeleTech, Dental First, Club Sixfifty, Speedo at Team Ventures.
Ang 5th National Games ay sa Pampanga sa Feb. 29.