Bago ang pulong ng PBA Board sa Enero 28 ay inaasahang maglalabas na ng kanyang final decision si Sonny Barrios ukol sa pagtanggap niya sa posisyon bilang pang pitong Commissioner.
Sinabi kahapon ng 59-anyos na si Barrios na na-rarapat lamang na mala-man na ng PBA Board ang kanyang desisyon mata-pos na ring iluklok noong nakaraang Huwebes.
“Bago ang (PBA) Board meeting on January 28 it’s only proper that I inform them of my final decision,” wika ni Barrios, inilagay sa puwesto ni da-ting Commissioner Noli Eala makaraang mabigong makapili sa pagitan nina PBA legal counsel Atty. Chito Salud at Nextel president Lambert Ramos.
Kamakalawa ay nagbigay na ng kanyang resignation letter si Salud, anak ni dating PBA Commissioner Atty. Rudy Salud, kay Barrios kasabay ng opisyal na pagatras sa karera ng Commissionership.
Bago ito, matatandaang humingi muna si Barrios ng sapat na panahon sa PBA Board, pinamumunuan ni Tony Chua ng Red Bull bilang chairman, bago tuluyang tanggapin ang pagiging Commissioner.
“Iyong consultation is not only with my family but also with my business partners, who happened to be two brothers of mine,” wika ni Barrios sa kanilang itinayong isang home care service sa United States. “Ako ‘yung sa administrative side na hindi na nagampanan nitong nakatali ako dito sa PBA as OIC. Kung sakaling matatagalan ako dito, ano ‘yung magiging sit-wasyon namin doon.”
Bago itinalagang Commissioner ng PBA Board, kinuha muna si Barrios, halos 18 taon na nagsilbi sa professional league bilang assistant to the executive director hanggang maging executive director ni dating PBA Commissioner Jun Bernardino, bilang Officer-In-Charge (OIC) noong Agosto habang naghahanap ng makakapalit ni Eala.
Isang pulong rin ang hihilingin ni Barrios sa mga miyembro ng PBA Executive Committee para linawin ang ilang puntos sakaling tanggapin na niya ang kanyang bagong trabaho sa PBA. (Russell Cadayona)