DZSR Sports Radio at PSA muling magkapartner

Muling nakipagtambalan ang Philippine Sportwriters Association sa kanilang long-time partner DZSR Sports Radio 918 sa coverage nito sa taunang awards rite ng live sa ere sa SM Mall Of Asia sa Pebrero 16.

Isang regular coveror ng mga nagdaang PSA Awards nights, ang istasyon na tinaguriang institus-yon sa Philippine sports broadcast, ay muling magbibigay ng blow-by-blow account sa mga kaganapan ng dalawang oras na programang hatid ng San Miguel Corporation.

Ang naturang istasyon ay palagian ding nagkoko-ber ng PSA forum tuwing Martes sa Shakey’s UN Ave. branch sa pamamagitan ng beteranong sportscaster na si naRicky Yap Santos at Judith Caringal.

Naglalabanlaban para sa pinakaasam na Athlete of the Year award ng programang suportado din ng  Shakey’s, the Philippine Sports Commission, PAGCOR at  ACCEL, ang mga Filipino achievers ng  2007 na kinabibilangan nina boxing stars Nonito Donaire Jr. at Manny Pac-quiao, swimmer Miguel Molina, pro golfer Frankie Minoza, young chess Grandmaster Wesley So at billiards player Ronnie Alcano.

Ito ay makikita rin sa internet sa pagla-log-on sa www.pbs.gov.ph.at iklik lang ang sportsradio icon. 

Pararangalan din ang  mga gold medal winners sa nakaraang  24th Southeast Asian Games at  bibigyan din ng parangal sina Mark Caguioa, Jason Castro, jockey Patti Dile-ma at Es Twenty Six bilang mga major awardees sa basketball at horse racing,  ayon sa pagkakasunod.

Show comments