Iniluklok sa pwesto bilang bago at ikapitong Commissioner ng PBA ang Officer-in-Charge na si Renauld ‘Sonny’ Barrios.
Ito ang naging desisyon ng Board sa ginanap na pagpupulong kahapon sa tanggapan ng PBA sa Libis, Quezon City.
Ang dahilan, tila hindi pa rin mabuo ang iisang desisyon kung kanino sa pagitan ni Atty. Chito Salud at Nextel executive Lambert Ramos ang hihirangin para sa naturang posisyon na binakante ni former Commissioner Noli Eala.
“All of us came out that decision, the ‘unanimous’ that Mr. OIC Sonny Barrios would become our new, our seventh Commissioner until the end of July,” wika ni PBA Chairman Tony Chua ng Red Bull.
Magandang oportuni-dad at malaking karanga-lan naman ito para kay Barrios na tapos ng kursong BS Management sa Ateneo de Manila University.
Wala namang pagtanggi ang 59-anyos na si Barrios sa naging desis-yon ng Board, subalit kailangan pa rin niya itong ikonsulta sa kanyang maybahay na nasa US.
“It’s a great honor for me to be in the position. Great honor to be call the unifying factor of the youth and of the Board, because harmony and unity will preserve,” pahayag ni Barrios.
“If I say no, I feel like I abandoned the league,” dugtong pa ng bagong Commissioner. “ I cannot question the wisdom of their (Board) decision. “I just hope to come up their expectation,” pahabol pa nito na nakatakdang magdiwang ng kanyang ika-60 kaarawan sa Marso 4.
Samantala, nananatili pa rin umanong 5-4 ang boto sa pagitan ng natu-rang mga personalidad, angat sa karera si Salud, dahilan kung bakit bumuo na ng isang matinding desisyon ang mga mi-yembro ng Board na nag-resulta nga ng pagkaka-hirang kay Barrios.