Omolon PBAPC Player of the Week

Isang ma-gandang halim-bawa si Nelbert Omolon sa kasa-bihang ‘practice makes perfect’

Mula sa ilang oras na pagpapraktis sa kanyang shooting skills at mula sa pagiging under-the-basket player ay naging all-around threat ang Sta. Lucia forward.

At ito ang pinatunayan ni Omolon nang itala nito ang kanyang career-high 40 puntos na nagdala sa Sta. Lucia Realty sa awtomatikong semis sa bisa ng 123-106 panalo ng Realtors kontra sa Air21 noong Linggo sa Smart-PBA Philippine Cup.

At sa ganitong klaseng performance na hindi pa nakikita sa tatlong kumperensiya sa PBA, napili si Omolon bilang Smart-Accel PBA Press Corps Player of the Week sa linggo ng  Jan. 7-13.

Ito ang nagdala sa Realtors sa kanilang kauna-unahang outright passage sa semis sapul nang gamitin ang format noong 2004-05 Philippine Cup.

“Coach Boyet (Fernandez) said we’re making history for the team and I just want to be a part of it,” anang 6’4 ma si Omolon.

“It will be my first time to play in the semifinals and a best-of-seven in the PBA. For me, the game was crucial and it’s so memorable,” dagdag pa ni Omolon na may 9 rebounds, two assists at  steal sa loob ng 36 minutes na paglalaro.

Ang player na dalawang beses naging Most Valuable Player sa All-Stars Rookie-Sophomore Blitz Game ay may personal na motibo.

“Never pa akong nag-kuwarenta sa isang laro kaya pinilit ko na talaga. Baka kasi hindi na maulit,” aniya.

Ito ang kauna-unahang 40-point game ng isang local player sapul nang huling kumana ng 45 puntos si Mark Caguioa ng Barangay Ginebra sa panalo ng Kings sa Air21, 118-114 noong June 4, 2006.

Show comments