Pumuwesto sa ikalawa si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao sa top 10 list ng isang sikat na American boxing website para sa taong 2007.
Dahil sa kanyang dalawang beses na panalo kay dating Mexican world super featherweight champion Marco Antonio Barrera at patuloy na pagbibigay ng ‘excitement’ sa world boxing scene, kinilala si Pacquiao ng Eastside-boxing.com bilang No. 2 fighter.
Nakatakda ang rematch nina Pacquiao at World Boxing Council (WBC) super featherweight titlist Juan Manuel Marquez sa Marso 15 ng 2008 sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada.
Si American Floyd Mayweather, Jr. ang tinanghal na No. 1 mula sa kanyang matagumpay na pagdedepensa ng WBC light welterweight crown laban kay Ricky Hatton ng Great Britain.
Sina Pacquiao at Mayweather ang pala-giang nag-aagawan para sa titulo bilang best pound-for-pound fighter bawat taon.
Nagtapos naman sa No. 5 seat ang 34 anyos na si Marquez buhat sa kanyang matagumpay na pagtatanggol sa suot na WBC super featherweight belt kay American challenger Rocky Juarez.
Ang iba pang nasa Top 10 ay sina super middleweight Joe Calzaghe (No. 3), light heavyweight Bernard Hopkins (No. 4), middleweight Kelly Pavlik (No. 6), welterweight Miguel Cotto (No. 7), Hatton (No. 8), super bantamweight Israel Vazquez (No. 9 ) at middleweight Winky Wright (No. 10). (RC)