Kung ang paniniwala ng karamihan na ang Military ang malaking samahan upang labanan ang mga masasamang elemento tulad ng Abu Sayaf, naliligaw na MILF at MNLF at New Peoples Army (NPA), sila ay kalahating tama lang, dahil ang Military ay pakikinabangan din maski na mapayapa ang bansa tulad ng ng civic action, medical assistance at kung may kalamidad at siyempre sa larangan ng sports.
Nitong nakaraan Southeast Asian Games, sa kabuuan 228 medalya, ang Military ay nanalo ng, 79 o 34% ang nagtungo sa Military.
Sa nasabing medalya, ang Military ay nanalo ng 25 gold medal sa 41 o 66%, 35 silver sa 91 o 56% at 19 bronze sa 96 o 19%.
Ang mga magsipagwagi ng gold medal ay sina Maristela Torres, Marites Bitbit, at Alfie Catalan, bukod pa sa mga miyembro ng softball team na sina Dario Bacarisas, Rogelio Rojas, Manolito Binarao, Oscar Bradshaw at Ronillon Pagkalinawan na pawang mga miyembro ng Army.
Sa Air Force, ang nagwagi ng gold medal ay sina Arniel Ferrera, John Baylon, Tshomlee Go, Bruyn Mendoza, Benjamin Tolentino (2), at mga miyembro ng Softball team na sina Rizel Santos, Apolonio Rosales, Romeo Bumagat, Anthony Santos, Belen Asok, Nimpa Baral, Mark Ree Ramires at Isidro Abello.
Sa Navy, ang mga nanalo ng gold medal ay sina John Lozada (gold at silver), Sandy Barmachea, John Ricafort, Jose Rodriguez, at mga miyembro ng Softball team na sina Jasper Cabrera at Orlando Binarao.
Ang mga iba pang medalitsts ay sina Danilo Fresnido, Rodrigo Tanauan Jr., Midel Dique, Rosie Villarito, Narcisa Atienza, Godfrey Parnisa, Mariano Tabanquena, George Vilog, Extie Gay Liwanan, Joel Carbonilla, Joemar Ocquina at Salvador Sumagaysay ng Army, Eduardo Buenavista, Emie Candelario, Joebert Delicano, Julius Nierres, Danilo Alipan, Harrison Castanes, Metodio Suico, Alexander Briones, Ma. Allene Padrona, Alejandro Orola, Marietta Alba, Diomedes Manalo, Alvin Amposta, Fraizer Alamara, Norton Alamara, Almax Laurel, Mansuito Pelenio, Teodoro Caneta, Michael Jorolan, Margarito Angana at Anna Fernandez at sa parte ng Navy ang mga iba pang nagwagi ng m,edalya Larry Semillano, Junie Tizon, Eusebio Quinonez, Manuel Maya, Suhod Hakim, Nestor Cordova at Danny dela Torre.
May kasabihan nga sa isang commercial na aking hihiramin, “Hindi lang pang kapayapaan, pang Sports Pa.’ Kaya sa inyong mga medal winners, saludo ang taong bayan sa inyo. (Anatoly Dela Cruz)