Matapos ang mainit na pakikipag-bakbakan ng lahat ng delegasyon, nagtitipon-tipon muli ang mga atleta upang ipagdiwang ang pagkakaibigan sa mga Asean neighbors sa pagpapaalam sa pagsasara ng 24th Southeast Asian Games kahapon.
Bumaba na ang kurtina sa palarong pinamunuan ng host Thailand bilang overall SEAG champion at ibigay ang paghohost sa Vientane, Laos, sa 2009 para sa 25th edition.
Muling tinampukan ng magarbong programa ang closing ceremonies.
Una ang “The Creation of Spirit” kasunod ang The Creation of Friendship, The Creation of Celebrations, The Creation of Sports Ceremony, The Creation of Hope, The Creation of Live World at The Creation of Happiness and Prosperity.
Pagkatapos ng apat na oras na programa, ibinibaba na ang SEA Games flag ang turnover ceremony at pagpapatay ng SEA Games flames. (Dina Villena)