Ginto kay Alcano

NAKHON RATCHASIMA -- Buong ningning na nalusutan ni Ronnie Alcano ang pananakit ng tiyan at mahigpit na hamon ni Tey Choon ng Singapore upang sarguhin ang gintong medalya sa 8-Ball singles final sa Sima Thani Hall dito.

Iginupo ng Calambeño na si Alcano si Tey sa iskor na 9-6, upang maidagdag sa dalawang naunang nakolekta nina men’s 9-ball doubles nina Marlon Manalo at Antonio Gabica at women’s 9-ball gold ni Rubilen Amit.

Nakawala ang maari sanang gold-silver medal na produksiyon ng bansa sa 8-ball singles nang hindi nakarating si Dennis Orcullo na umano’y may sakit.

Tinangkang palitan ng RP billiards officials si Orcullo kung saan isasabak sana nila si Gabica ngunit hindi pumayag ang organizers.

Ngunit hindi ito ang ikinabahala ng mga opisyal kundi ang pananakit ng tiyan ni Alcano noong bisperas ng kanyang laban na hinihinalang food-poising.

Nagsusuka ang 2006 World 9-ball at 8-ball champion na si Alcano ngunit nagpakita pa rin ito sa billiards hall at dinispatsa sina Thai Arummoth Tepwin, Singaporean Toh Lin Han at Malaysian Ibrahim Bin Amir para makaharap si Tey sa finals.

“ Hindi ako nag-aalala sa aking kondisyon kundi sa maikling format na race-to-9 gamit ang alternate break. Maraming puwedeng mang-yari dito,” wika ni Alcano.

Show comments