RP cyclists sasabak na

NAKHON RATCHA-SIMA — Kabilang sa mga maagang dumating dito ang RP riders at umaasa silang magbubunga ng maganda ang kanilang pagsasanay sa mga ruta at tracks sa pagsisimula ng 24th SEA Games cycling competitions na bubungaran ng mountain bike downhill seeding run sa Khao Yai Thieng Hill.

Si Joey Barba ang defending champion sa downhill ride -- isa sa tatlong event na napanalunan niya noong 2005 SEAG.

“Joey is in great shape. He’s doing well in practice and I’m sure he will get a good shot at a title-repeat,” ani RP  coach Jomel Lorenzo.

Maglalaban  para sa seeding runs ngayon ang mga cyclists para sa medal competition bukas.

Magiging mahigpit na kalaban ni Barba ayon kay Lorenzo  si 2005 SEAG bronze medallist Wisit Phuengnoi ng Thailand na pamilyar na sa ruta dito.

Walang entry sa womens division ang RP. Hindi na rin nagbalik si  Michael Borja.

Pagkatapos ng downhill, sasabak naman sina veteran RP campaigners Eusebio Quinones at Frederick Feliciano at Maritess Bitbit sa MTB cross-country sa Huwebes.

Samantala, mapapa-sabak naman sang RP Lady Booters sa Vietnam. (NELSON BELTAN)

Show comments