Toyota vs Mail & More sa twice-to-beat

Paglalabanan ng Toyota Balintawak at ng Mail & More ang huling twice-to-beat ticket sa kanilang showdown ngayon sa 2008 PBL V-Go Extreme Energy Drink Cup sa The Arena sa San Juan.

Nabigo ang Toyota Roadkings na makuha ang ikalawang twice-to-beat advantage sa quarterfinals dahil sa kanilang masamang performance laban sa sibak na sa kontensiyong Bacchus Energy Drink noong Huwebes, 71-51.

Naipuwersa ng Comets ang playoff matapos igupo ang Pharex, 75-70, na nagbunga ng pagtatabla sa 5-5 record ng Toyota at Mail & More.

Kung tutuusin, simula ito ng ‘best-of-three’ series ng Roadkings at Comets dahil sila rin ang maghaharap sa quarterfinals.

Magsasagupa rin sa quarterfinals ng torneong hatid ng Extreme Magic Sing at suportado ng   Gerry’s Grill, ACCEL, Gold’s Gym, at Hanford, ang No. 3 San Mig Coffee at No. 6 Pharex.

Nanalo ang Roadkings laban sa Comets sa kanilang unang pagkikita, 78-66.(Mae Balbuena)

Show comments