4 na batang Pinoy boxers sasabak sa Asian Junior

Apat na mga batang boksingero ang magbibit-bit ng pambansang RP-PLDT-Smart boxing team sa Asian Junior Boxing Championships na naka-takda sa Nobyembre 25 hanggang December 2 sa Almaty, Kazakhstan.

Sasabak sa aksiyon ng isang linggong slugfest sina light-flyweight Con-rado Tanamor, flyweight Froilan Saludar, bantamweight Roel Laguerta at lightweight Jameboy Vicera, na pawang mga produkto ng grassroots program ng Amateur Boxing Association of the Philippines.

“We hope to excel in the tournament,” ani ABAP President Manny T. Lopez, na pinasala-matan din si PLDT-Smart chair Manny V. Pangilinan sa pagsuporta ng team na  suportado din ng  Pacific Heights at Philippine Sports Commission.

Kasama ng National team sina coach Vicente Arcenal at Isidro Vicera.

Show comments