Sinamantala ng La Salle ang pagkawala ni Rachel Daquis sa Far Eastern U para itala ang ikalawang sunod na panalo at makasiguro ng playoff para sa ikalima at huling semifinal slot sa Shakey’s V-League Second Conference na nag-patuloy sa The Arena sa San Juan kahapon.
Nagpakawala si guest player Maureen Pene-trante ng isang hit at blinangka nito ang atake ni Josephine Cafranca para sa dalawang krusyal na puntos ng Lady Archers na kumumpleto ng 25-15, 25-20, 26-24 panalo sa loob ng isang oras at 17-minuto.
Ito ang ikatlong panalo pa lamang ng La Salle sa anim na laro ngunit sapat na ito upang makapuwesto ang three-time defending champion sa pakikisalo sa ikaapat na puwesto sa walang larong Adamson at nagbigay buhay ng kanilang tsansang manatili sa kontensiyon sa torneong suportado ng Shakey’s Pizza.
Nalasap ng Lady Tams ang ikaapat na talo sa anim na laro at kailangan nilang manalo sa huling asignatura laban sa Ateneo at manala-nging hindi manalo ang La Salle o Adamson sa kanilang huling laban upang manatili sa konten-siyon.
Hindi nakalaro si Daquis, ang top scorer ng FEU na may 69 points sa limang games, dahil sa ankle injury sa four-set loss laban sa San Sebastian Lady Stags noong Lunes na sinamantala nina Penetrante, Jacqueline Alarca, Carla Llaguno, Stephanie Mercado, Michelle Datuin at Reiea Saet.
Ang anak ni dating Asian track queen Lydia de Vega, na si Stephanie ay may apat na blocks para sa kabuuang siyam na puntos at anim kay Penetrante.
Pinatalsik naman ng UST, winner ng first conference, ang Lyceum para sa karera sa semis makaraang iposte ang 25-17, 22-25, 25-15, 25-18 panalo sa ikalawang laro. (Mae Balbuena)