MACAU -- Bnigyan ng mga muay thai team ng dahilan ang Philippine delegation na desperado nang makapagbigay ng gintong medalya para sa bansa sa Macau 2nd Asian Indoor Games.
Dalawa pang bronze ang nasiguro ng RP Team dahil sa suwerte sa draw matapos makapagdagdag sina Brent Velasco at Roland Claro ng dalawa pang siguradong bronze dagdag kay Zaidi Laruan na nakasiguro na rin ng tanso kahit hindi pa lumalaban sa men’s featherweight ng muay thai.
Ayon kay Muay Association of the Philippines (MAP) president Robert Valdez, seeded na si Velasco sa semifinals ng bantamweight class at nasa final four na rin si Claro sa flyweight category.
Pinabagsak naman ni Ruben Zumido si Motasem Altharawi ng Jordan sa quarterfinals ng lightwelterweight division para masiguro ang ikaapat na bronze ng Pilipinas at panatilihing buhay ang pag-asa sa gintong medalya ng bansa.
Isang muay athlete na si Billy Alumno ang unang Filipino gold medalist sa First Asian Indoor Games nang kanyang dominahin ang war khru event sa Phuket Thailand.
Sa likod nito, wala pa ring suwerte ang RP Team na dagdagan ang bronze medal ni Catherine Perena sa women’s individual rapid chess.
May tsansang makarating ng semis si Jay Olod, isa ring muay athlete na makapasok sa lightweight class semis ngunit yumukod kay Sanguan Puntuma ng Thailand.
Nasa mga kamay nina women’s double’s pair Liza Clutario at Holly Angela Josef ang pag-asa sa bowling matapos masibak sina Markin Tee at Ernesto Gatchalian sa men’s doubles at ang duo nina Chester King at Raoul Miranda.
Nanalo naman sina Catherine Perena at Sheree Joy Lomibao at nakadraw si Wesley So laban kay Batchuluun Tsegmed sa chess na nagbigay sa Philippines ng ikalawang panalo 2.5-1.5 laban sa Mongolia sa fourth round, matapos ang 0-4 kabiguan sa Nepal.