2-0 na ang Lady Falcons

 Kasabay ng pag-angkin ng Adamson University sa liderato, bumawi naman ang nagde-depensang De La Salle University mula sa kani-lang opening day loss.

 Dumiretso sa kanilang ikalawang sunod na panalo ang Lady Falcons matapos igupo ang Lyceum of the Philippines Lady Pirates via straight sets, 25-18, 25-22, 25-13, para solohin ang pangunguna sa 2nd Conference ng Shakey’s V-League Women’s Volleyball Tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.

 Sa ikalawang laban, binigo naman ng Lady Archers ang Lady Knights ng Letran College,  25-18, 25-13, 25-12, upang makabangon sa kanilang pagyukod sa 1st Conference champions University of Sto. Tomas Tigresses noong Linggo.

 Nagtumpok ng pinag-samang 22 produksyon sina guest player Mau-reen Penetrante at Jac-queline Alarca upang ihatid ang three time titlists sa una nilang panalo.

 Muli namang pinamu-nuan ni guest player Nerissa Bautista ang Adamson, may 2-0 re-kord ngayon kasunod ang UST (1-0), La Salle (1-1), Lyceum (0-1) at Letran (0-1), mula sa kanyang 13 hits, tampok rito ang siyam na kills, samantalang nag-ambag ng 10 hits si Jacqueline So.

 Bago harapin ang Lyceum, umiskor muna ang Adamson ng 25-23, 25-21, 27-25, tagumpay laban sa Far Eastern University noong Linggo. 

Tumipa naman sina Sherrilyn Carillo at guest player Estrelita Enriquez, isang dating national team mainstay sa volleyball at basketball, ng pinagsamang 20 hits para sa Lady Pirates, nagposte ng 6-1 baraha sa eli-minasyon ng nakaraang torneo bago minalas sa semifinals. (Russell Cadayona)

Show comments