NCAA All-Stars nakabawi

Sumandal ang NCAA All-Stars sa tambalang RJ Jazul at Ogie Menor nang igupo nila ang UAAP counterparts, 83-78 sa Samsung-Bantay Bata 163 All Stars sa The Arena sa San Juan City.

Naghabol ng 14 puntos sa unang bahagi, si Jazul, ang Letran Knights go-to-guy ay nakipagtulungan kay Menor, ang reigning NCAA Finals MVP, sa ikatlong bahagi ng laro upang makabalikwas sa 14 points first half deficit tungo sa tagumpay para sa NCAA cagers.

Tatlong triples ang pinakawalan ni Jazul sa pivotal stretch patungo sa kanyang game-high 22 puntos at mapiling All Star MVP.

Nag-ambag naman ang higanteng si Sam Ekwe ng 19 puntos kabilang na ang lima sa stretch na pumigil sa mga bataan ni coach Franz Pumaren, na hindi nakasama ang tatlong pangunahing players na sina Jervy Cruz ng UST, Chris Tiu ng Ateneo at Jonathan Fernandez ng National U.

Nakabawi na ang NCAA All-Stars sa UAAP na nagwagi noong nakaraang taon sa event na ito na ginaganap para sa benepisyo ng Bantay Bata 163 ng ABS-CBN.

Nauna rito, umiskor ng dalawang perpektong puntos si Rey Guevarra patungo sa slam dunk competition at daigin sina Ekwe at Fil-Nigerian Hans Thiele ng University of the East.

Ang pananalasa ni Guevarra ay pumigil din sa sweep sa side events matapos manalo si JVee Casio ng DLSU sa three-point shooting at ang tambalang Vicmel Epres at Martin Reyes ng UP sa two-ball event.

Show comments