2nd title asam ng UST Tigresses

Ang pag-angkin sa kanilang ikalawang su-nod na korona ang siyang hangad ng mga Tigresses sa 2nd Conference ng Shakey’s V-League Women’s Volleyball Tournament na papalo bukas sa The Arena sa San Juan.

 Bukod sa kanilang asam na back-to-back titles, puntirya rin ng University of Sto. Tomas na maduplika ang tatlong koronang naisukbit ng De La Salle University sa naturang torneo na unang pinagreynahan ng España-based belles noong 2004. 

“Ang motivation namin is to try and win a back-to-back title. Susubukan naming makuha ‘yung aming third ttitle para makatabla kami sa La Salle,” wika kahapon ni head coach August Sta. Maria.

 Matapos magpahi-nga noong 2006, nagbalik naman ang mga Tig-resses sa 1st Conference nitong 2007 kung saan nila winalis ang San Sebastian Lady Stags ni mentor Roger Gorayeb, 2-0, sa kanilang best-of-three championship series.

 Muling ipaparada ng UST sina Mary Jean Balse, Venus Bernal at Angeline Tabaquero bu-kod pa sa paghugot kay Suzanne Roces bilang guest player. 

“I’m pretty confident of our chances,” wika ni Sta. Maria sa UST. “I’m sure we can compete with other teams na may Thai imports kahit na All-Filipino kami.” 

Maliban sa UST, La Salle at San Sebastian, ang iba pang koponang nasa torneo ay ang Adamson University, Letran College, Lyceum of the Philippines, Far Eastern University at ang Ateneo De Manila University na nagtungo pa sa Bangkok, Thailand para sa kanilang training. 

“Ateneo is one of the teams to beat be-cause they’ve trained in Thailand and I’ve heard they’ll be getting a strong Thai import,” dagdag ng coach ng Tigresses sa Lady Eagles. (Russell Cadayona)

Show comments