LOS ANGELES — Hindi na umaasa ng malinis na laban si Freddie Roach dahil naniniwala itong ang tanging paraan na talunin ni Marco Antonio Barrera si Manny Pacquiao sa kanilang Oct. 6 showdown ay ang maruming laban ng Mexican.
“Fight dirty,” patungkol ni Roach sa tsansa ni Barrera.
Ayon sa two-time Trainer of the Year na kailangan ni Barrera ang serbisyo ng ‘dirty tricks departmen’t sa pag-akyat ng dalawang magiting na gladiators sa Sabado (Linggo ng tanghali sa Manila) sa Las Vegas.
Sinabi rin ni Roach na inaasahan niyang nakakuha na ng mga lumang videotapes ng laban ni Pacquiao ang kampo ni Barrera kabilang na ang laban nito kay Agapito Sanchez noong Nobyembre 10, 2001 sa Bill Graham Auditorium sa San Francisco.
Ang naturang IBF super-bantamweight title fight, ayon kay Roach ay nagpapakita ng kahinaan ni Pacquiao na manatiling pokado at manatili sa game plan kapag gumamit ng ‘dirty tricks’ ang kalaban.
Pingil ng ringside doctor ang laban na iyon sa ikaanim na round sanhi ng sugat sa kanang mata ni Pacquiao sanhi ng aksidenteng headbutt sa ikalawang round na lalong pinalala ng isa pang headbutt sa ikaanim na round.
Sa nabanggit ding laban, ang una ni Pacquiao matapos ang sorpresang panalo kay Lehlo Ledwaba makalipas ang limang buwan, nabawasan ng dalawang puntos si Sanchez at ibigay kay Pacquiao ang panalo sa pamama-gitan ng technical knockout.
“Barrera can’t outsmart or outfight Manny Pacquiao. So what he’s going to do is he’s going to use his head,” wika ni Roach sa training ni Pacquiao sa Wild Card Gym, kamakailan.
“But Manny Pacquiao is such a gentleman, such a sportsman that if gets headbutt, he doesn’t ‘headbutt’ back. That’s just his nature,” dagdag pa ni Roach, na sasandal kay Joe Chavez, isa sa pinakamahusay na cutman sa boksing.