13th Siargao International Surfing Cup

Bilang bahagi pa rin ng programa ng pama-halaan para makaakit ng mas marami pang turista sa bansa, binuksan kaha-pon ang ika-13 Siargao International Surfing Cup, na gaganapin Surigao Del Norte.

Ito ay sa pakikipag-tulungan ng pamahalaang lalawigan ng Surigao Del Norte at Department Of Tourism (DOT) sa pamumuno ng magkapatid na sina Governor Robert Ace at PTA General Manager Dean Barbers.

Ang 13th Siargao International Surfing Cup” ay gaganapin simula sa Set-yembre 24 hanggang 30 sa Siargao Island at pangu-ngunahan  ito ng Billabong Australia o tinaguriang “Billabong Cloud Nine Invitational”.

Lalahok sa naturang kompetisyon ang pinakama-galing na  surfer mula sa Japan, USA, Australia, New Zealand, South Africa, Indonesia, Germany at France kung saan na may naka-laang pa-premyo nagkaka-halaga ng $20,000.00 bukod pa sa magagarang torpeo.

Ayon sa Surigao Del Norte Provincial Government at DOT, ang naturang programa o competition ay malaki ang maitutulong sa gobyerno lalu na sa pag-akit ng mas  marami pang turista na magtutungo sa bansa, lalo na sa mga dayuhang mahilig mag-surfing. (Lordeth Bonilla)

Show comments