Sa isang training session sa kanyang kampo sa Guadalajara, Mexico City, napabagsak ni Venezuelan Edwin Valero si dating world super featherweight tilist Marco Antonio Barrera.
Ayon kay Filipino boxing hero Manny Pac-quiao, hindi siya nanini-wala sa nasabing ulat mula sa isang American boxing website.
“Siguro pakana lang ‘yan ng kampo ni Barrera para maging kumpiyansa ako pagdating ng laban namin,” sabi ng 28-anyos na si Pacquiao, ipinagpa-tuloy ang kanyang pagsa-sanay sa Wild Card Boxing Gym ni American trainer Freddie Roach sa Los Angeles, California.
Bukod kay Valero, ang kasalukuyang WBA super featherweight titlist, tatlong Japanese fighters rin ang kinuha ng kampo ng 33-anyos na si Barrera bilang sparmates.
Naniniwala naman si Roach na hindi kasimbi-gat ng ginagawa nilang preparasyon ni Pacquiao ang ginagawa ni Barrera.
“I know Barrera. He always believe that it’s not important to train very hard in the gym. He took in some amateur fighters to make his sparring partners but that shouldn’t be. When you train for a big fight you should give it your best,” ani Roach.
Muling magtatagpo sina Pacquiao at Barrera sa Oktubre 6 sa Man-dalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada kung saan hangad ni “Pacman” na maulit ang kanyang pag-papasuko kay “Baby-Faced Assassin” noong Nobyembre ng 2003 sa Alamodome sa San Antonio, Texas.
Nagmula si Pacquiao sa isang seventh round KO kay Mexican featherweight Jorge Solis noong Abril 14 sa Alamodome, habang naagaw naman kay Barrera ni Juan Manuel Marquez ang dati niyang suot na WBC super featherweight belt noong Marso 17 sa Las Vegas.
“The criticism is always going to be there no matter how well you perform,” sabi ni Barrera. “I am training to win this fight and there will be no excuses. Pacquiao is an excellent fighter and we are going to be ready for him.” (Russell Cadayona)