Malinis pa rin ang UE

Hindi pa rin nadudungisan ang malinis na katayuan ng University of the East sa likod ng mahigpit na hamon na ibinigay ng National University matapos hatakin ang 70-66 tagumpay sa UAAP men’s basketball tournament na nagpatuloy kahapon sa Araneta Coliseum.

Sumulong sa ikasampung sunod na panalo ang UE Red Warriors, huli nilang nagawa sa liga 55 taon na ang nakakaraan, at apat na panalo na lamang ang kanilang layo sa pagsweep sa elimination round upang makasiguro ng awtomatikong final slot.

Nalasap ng Bulldogs ang ikalimang talo sa siyam na laro.

Nauna rito, nagtala naman ng magaang panalo ang La Salle kontra sa Adamson, 75-55 upang patatagin ang kanilang kapit sa ikalawang puwesto matapos sumulong sa 7-3 kartada.

Sa ikawalong pagkatalo ng AdU Falcons sa siyam na laro, tuluyan na silang nasibak sa kontensiyon.

Show comments