Roach deretso sa ensayo ni Pacquiao

Pinamahalaan kahapon ni American trainer Freddie Roach ang pagsasanay ni Manny Pacquiao sa Cebu, at idineklarang 65-70 porsiyentong handa may 50 araw pang nalalabi bago ang kanyang rematch kay Marco Antonio Barrera.

“He looks very good and everything’s right on schedule,” pahayag ni Roach, na dumating sa Manila mula Los Angeles kahapon ng umaga at kumuha ng connecting flight patungong Cebu para makasama si Pac-quiao.

“With almost seven weeks left, we’ll be ready for the fight. I should say he’s 65 to 75 percent ready right now. He’s definitely under 140 pounds,”  wika ni Roach sa panayam ng  STAR sa telepono.

Sinabi ni Roach na si Pacquiao, dumating sa Cebu noong Martes ng gabi, ay tumakbo noong umaga at nagpahinga sa kanyang Waterfront Hotel room hanggang tanghali. Pagkatapos ng pananghalian dalawang oras silang workout sa Wakee Salud gym.

“It was a good day. We had six rounds of mitts. I think we’ll be ready before we head back to LA two weeks before the fight,” wika ni  Roach, na nagsabi ring ang sparring ay magsisimula ilang araw mula ngayon.

Nasiyahan si Pacquiao sa pagdating ni Roach sa bansa para tulungan ito sa kanyang training.

“I’m glad he’s here now. We had a good workout,” anang 28-year-old boxer, na tanggap ang katotohanang kailangang doble trabaho ang dapat niyang gawin sa pagsa-sanay sa papalapit na rematch niya kay Barrera sa Oktubre 6.

“ I started training almost two weeks ago so I think I can log in a total of seven weeks for this fight. If Barrera started training four weeks ago, he might over-train,”ani Pacquiao. (Abac Cordero)

Show comments