St. Scho, San Beda at Miriam umiskor ng panalo

Tinalo ng St. Scholastica’s College, San Beda-Alabang at Miriam College ang kani-kanilang kalaban para palakasin ang katayuan sa  WNCAA 38th season volleyball tournament sa RTU gym. 

Noong Sabado, ginapi ng Miriam Katipuneras junior team ang  La Salle College Antipolo Voyagers, 26-24, 25-20, 25-13, habang sa midgets squad nanaig ang  De La Salle Zobel Green Archers, 25-13, 21-25, 25-18.

Nanaig din ang kanilang senior counterparts laban sa University of Asia & the Pacific, 29-27, 25-14, 25-21, sa sumunod na araw.

Binuksan naman ng St. Scho ang kanilang pagdepensa sa junior title nang payukurin nila ang Chiang Kai Shek College,  25-10, 25-12, 25-6.

Tinalo naman ng  SBCA juniors ang  Angelicum College, 25-10, 25-14, 25-8, at ang kanilang seniors laban sa Philippine Women’s University, 25-10, 25-20, 25-15.

Show comments