Matapos ang apat na taon, muling nagkaharap sa isang press conference sina Filipino boxing hero Manny Pacquiao at Mexican boxing legend Marco Antonio Barrera kahapon sa Beverly Hills Hotel para sa kanilang rematch sa Oktubre 6.
Matatandaang ang 11th round Technical Knockout (TKO) kay Bar-rera noong Nobyembre ng 2003 sa Alamodome, San Antonio, Texas para sa “People’s Featherweight Championship” ang siyang nagpasikat kay Pacquiao.
Ang resbak ng 33-an-yos na si Barrera sa kani-lang rematch sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada ang inaasahan na ng 28-anyos na si Pacquiao.
“What I promise is that we will offer another great night and great fight to all the fans,” sambit ng tubong General Santos City na si Pacquiao, ang kasaluku-yang World Boxing Council (WBC) International super featherweight champion.
Hangad naman ni Barrera, ang dating WBC super featherweight king, na tapusin ang kanyang makulay na boxing career sa pamamagitan ng isang malaking panalo.
“This is my final year of my career that started in 1989. And I want to end it by avenging my defeat to Manny Pacquiao,” wika ni Barrera, inagawan ng 33-anyos ring si Juan Manuel Marquez ng WBC belt noong Marso. “I’m working hard and focus to defeat Pacquiao.”
Ibinabandera ni Barrera ang kanyang matayog na 63-5 win-loss ring card kasama na rito ang 42 knockouts, samantalang tangan naman ni Pacquiao ang 44-3-2 (34 KOs).
Si Mexican featherweight Jorge Solis ang hu-ling tinalo ni Pacquiao ma-tapos pabagsakin sa 7th round noong Abril 14 sa Ala-modome.(R. Cadayona)