Maaari nang maka-kuha ngayon ang defending champion San Beda College ng slot sa Final Four at sa NCAA men’s basketball tournament at hindi na nila pakakawalan pa ang pagkakataong ito sa pakikipagharap sa kulelat na College of St. Benilde sa tampok na laro ngayon sa The Arena sa San Juan.
Alas-4:00 ng hapon ang sagupaan ng SBC Red Lions at ng delikado nang CSB Blazers pagka-tapos ng sagupaan ng San Sebastian College-Recoletos at ng Mapua Institute of Technology sa alas-2:00 ng hapon.
Nagsosolo sa liderato ang Bedans taglay ang 7-1 kartada matapos duma-usdos ang dating kasos-yong Colegio De San Juan de Letran na luma-sap ng 82-89 pagkatalo sa MIT Cardinals kamakala-wa sanhi ng 7-2 record.
Ang mga pambatong sina Nigerian center Sam Ekwe, local mainstays Yousif Aljamal, Pong Escobal at Ogie Menor ang muling sasandalan ng San Beda, galing sa 96-76 pananalasa sa Baste noong Biyernes, para sa kanilang inaasam na ikatlong semifinal stint sa huling apat na season.
Demoralisado ang St. Benilde bunga ng pagka-kaaresto ng NBI sa kani-lang playmaker na si Paolo Orbeta dahil sa pagbebenta ng laro ngunit kailangan nilang ipagpag ito upang bigyang buhay ang kanilang kampanya matapos sumadsad sa pitong sunod na talo bu-nga ng 1-7 win-loss slate.
Palalakasin naman ng Stags na may 3-4 kartada at ng Cardinals, nag-iingat ng 3-6 record ang kani-lang tsansa sa Final Four.
Kailangang isalba ng St. Benilde hindi lamang ang kanilang karangalan kundi pati na rin ang kani-lang kampanya dahil ang kanilang pagkatalo ay magpapatalsik sa kanila sa kontensiyon.
Naririyan sina PBL veterans Kelvin dela Peña, Sean Co at Jerby del Ro-sario, kasama sina Neil Pascual at rookie Jona-than Banal para sa Mapua na tatapatan naman nina Jim Viray, Jason Balles-teros, Gilbert Bulawan at Pamboy Raymundo ng San Sebastian. (Mae Balbuena)