Winakasan ng Indonesian na si Adriyanti Firdasari ang pananalasa ni Chinese top qualifier Yihan Wang sa Bingo Bonanza Philippine Open Badminton Championships, makaraang itala ang 21-14, 21-16 panalo kaha-pon at itakda ang pakikipagtipan sa isa pang Chinese bet na si Zhu Jing Jing sa semis ng women’s singles sa PhilSports Arena.
Tinalo ni Firdasari, rank No. 50 sa mundo, ang mas matangkad na si Wang sa kanyang power at bilis para sa straight set victory sa loob ng 28 minuto at pangunahan ang pag-martsa ng Indons sa $120,000 championship.
Umabante ang top seed pair nina Natsir Lilyana at Widianto Nova at 2nd pick team nina Marissa Vito at Limpele Flandy sa semis ng mixed doubles, at hintayin ang isang eksplosibong linggo na may lima pang pares na maglalaban sa men’s at women’s doubles at si Sony Kuncoro naman na nakikipaglaban para sa puwesto ng men’s singles finals, habang sinusulat ang balitang ito.
Ngunit may tsansang biguin ng mga Chinese ang kampanya ng Indon sa paghahanda ni Zhu kontra kay Firdasari, makaraang itala ang impresibong 21-10, 21-13 panalo kay Anna Rice ng Canada.
Ngunit sinabi naman ni Firdasari, ve-teran ng Sudirman Cup na ang huling tagumpay ay noong 2006 Dutch Open na nasa porma siya at umaasang masu-sungkit ang korona na nagkakahalaga ng $8,280 ng event na hatid ng Bingo Bonanza Corp. at inorganisa ng img.
Ngunit hindi nangangamba si Zhu, na pinatalsik ang defending champion na si Saina Nehwal ng India, 21-15, 21-13, sa first round.
Mapapanood ang semifinal round ng live sa Solar Sports at RPN-9 simula alas-2 ng hapon ngayon.