Isang malaking palai-sipan para kay coach Chot Reyes kung sinu-sino ang bubuo ng San Miguel-Pilipinas team na sasabak sa nalalapit na FIBA-Asian Men’s Championships, ang qualifying tournament para sa pina-pangarap na Olympics ng Pilipinas.
Mayroon na lamang siyam na araw si Reyes para pag-isipan ang final line-up ng RP Squad para sa FIBA-Asia Tournament na nakatakda sa July 28 hanggang August 5 sa Tokushima, Japan.
Kailangang pag-isipan niya itong mabuti dahil ito ang koponang inaasa-hang magbabalik ng pangalan ng Pilipinas sa Olimpiyada na 35 taon nang hindi nararating ng mga Pinoy.
Sa kasalukuyan, may 15 na pangalan ang nasa national pool. Ilan sa mga ito ay injured, at mayroon pang nag-aayos ng kani-lang kailangang doku-mento para makasama sa Olympic qualifier.
Nagpapagaling pa ng injury sina Danny Seigle at James Yap.
Babaunin ng RP team ang dalawang titulo na napanalunan nila sa kom-prehensibong paghahanda at training. Nagkampeon ang RP squad sa Southeast Asian Basketball Association Mens Basketball Tournament upang mag-qualify sa FIBA Asia championships kung saan ang top-two teams ay makakasama sa Olympics na gaganapin sa Beijing Olympics sa susunod na taon.
Nagkampeon din ang Nationals sa Four National Manila Invitational Tournament kamakailan lamang kung saan tinalo nila ang Lebanon sa finals kasama ang China at Syria.
Mabigat ang misyon ng Nationals sa Japan matapos maka-grupo ang mga bigating teams na China, Jordan at Iran ngunit optimistiko si Reyes na maibabangon ng San Miguel Pilipinas ang pride ng bansa matapos ma-wala ng dalawang taon sa basketball scene bunga ng pagsuspindi ng FIBA.
Naniniwala siyang mala-ki ang pag-asa ngayon na mag-qualify sa Olympics dahil host ang Asian basketball powerhouse na China kaya awtomatikong qualified na sila sa quadrennial meet. Bunga nito, free-for-all ang dalawang Olympic slots.
Kabilang sa team sina Jimmy Alapag, ang Most Valuable Player ng naka-raang Manila invitationals, Mark Caguioa, Kerby Ray-mundo, RenRen Ritualo, Asi Taulava, Dondon Hontiveros, Ranidel De Ocampo, ang mga pinakahuling addition sa team na sina Erik Menk, James Yap, ang Rookie of the Year na si Kelly Williams at ang Fil-Am na si Gabe Norwood.