Buenafe nagbida sa Staglets

Laro Bukas

 (The Arena, San Juan)

2 p.m.  San Sebastian vs St. Benilde (Srs)

4 p.m.  Perpetual Help vs Mapua (Srs) 

Nagpakawala si Ryan Buenafe ng season high 44 puntos para kumplementuhan ang kanyang triple-double performance at dugurin ng defending champion San Se-bastian College ang Jose Rizal University, 109-96, sa NCAA juniors basketball tournament sa The Arena, San Juan.

Nagtala naman ng 29 puntos si John Noble at nag-ambag ng pinagsamang 40 puntos ang magkapatid na Kelvin at Kristoffer Alas nang igupo ng Letran  ang Perpetual Help, 117-72.

 Hindi napigilan ng Light Bombers ang pananalasa ni Buenafe lalo na sa offensive nang kumana ito ng 20-of-34 shooting mula sa field.

Humatak din si Buenafe ng 11 rebounds at 10 assists sa loob ng 34 minutong paglalaro.

Sa ikatlong laro, nanaig ang CSB-La Salle Greenhills kontra sa San Beda, 70-62.

Show comments