Marami ang nagsasabi, malas na araw ang Friday the 13th, ngunit hindi para kay Alaska guard Willie Miller.
Sa katunayan, napakasuwerteng araw ito para kay Miller na nagdiwang ng kanyang ika-30 kaarawan nang tanggapin nito ang kanyang ikalawang Most Valuable Player trophy sa Philippine Basketball Association sa Leo Awards na ginanap sa Araneta Coliseum kagabi.
Suwerte rin ang araw na ito para kay Gary David na nagdiwang din ng kaarawan, ika-29th, mata-pos tumanggap ng tatlong award.
Si David ay tinanghal na Most Improve Player at kasama ito sa Mythical team at All-Defensive team.
Lumikom si Miller, unang nag-MVP noong 2002, ng kabuuang 2,671 boto upang talunin sina Mark Cardona ng Talk N Text (1,283) at David (1,019).
Kasama nina Miller at David sa First Mythical Team ang Rookie of the Year na si Kelly Williams ng Sta. Lucia, Jay Washington ng Talk N Text at Dorian Peña ng SMB.
Kabilang naman sa Second Mythical Team sina Wynne Arboleda ng Talk N Text, Cardona, Arwind Santos, Danny Ildefonso at Yancy De Ocampo.
Umani si Williams ng 2,951 boto upang talunin si Santos (677) at L.A Tenorio (181) para sa Rookie of the Year award. Wala namang naging kalaban si David sa Most Improve Player sa kan-yang 5,006 boto habang nakaipon ito ng 1,937 votes para sa Sports-manship award upang talunin sina Larry Fonacier (1,868) at James Yap (1,842).
Kasama naman ni David sa All-Defensive team sina Nelbert Omo-lon, Santos, Harvey Carey at Arboleda.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Alaska at Talk N Text para sa Game-Four ng kanilang best-of-seven championship series para sa titulo ng 2007 PBA Fiesta Conference.
Nakalalamang sa serye ang Phone Pals sa 2-1 panalo-talo.