Babasagin ng Talk ‘N Text at Alaska ang kani-lang 1-1 pagtatabla sa serye sa pagpapatuloy ngayon ng kanilang best-of-seven na pagtutunggali para sa PBA Fiesta Cup championship sa Araneta Coliseum.
Bahagyang pinapa-boran ang Phone Pals sa kanilang laban sa Game 3, na nakatakda ngayong alas-7 ng gabi dahil na rin sa ganda ng kanilang pagkopo sa Game 2 nung Linggo.
Hindi lamang naitabla ng Talk ‘N Text ang serye nung Linggo, kundi nai-bangon din nila ang kani-lang morale matapos ang masaklap na pagkatalo sa series opener kung saan tinambakan sila ng Aces ng 27 puntos.
Malaking susi sa kanilang tagumpay nung Game 2 ay ang impre-sibong laro ni Mac Car-dona, na nagbuslo ng 30 puntos, 12 nito sa third quarter kung saan pinilit makadikit ng Aces.
Matapos malimitahan sa 13-puntos nung Game 1, inangking muli ni Cardona ang pagiging best local scorer ng Talk ‘N Text, pareho ng kan-yang ginawa laban sa Red Bull kung saan nag-average siya ng 27.5 puntos kada laro.
Matindi rin si JJ Sullinger nung Game 2, pati na rin si Donbel Belano, na kumamada ng 16 points sa first half upang makatapos ng may 24 na tabla sa kanyang career-high.
Si Rosell Ellis pa rin ang mananatiling haligi ng Alaska lalo na sa depen-sa. Kumamada siya ng 40 puntos nung Game 2, ngunit nasayang lang ito.
Kinakailangan naman muling dominahin nina Willie Miller at Mike Cortez ang backcourt kung iniisip ng Alaska na lumamang sa serye mamayang gabi.
Namayani sina Cortez at Miller nung Game 1, kung saan sila nagtulong sa kabuuang 42 points habang si Ellis naman ay tumapos na may triple double na 22 points, 13 rebounds at 10 assists.
Samantala, papara-ngalan bago magsimula ang laro ang Best Player of the Conference at ang Best Import ng torneo, kung saan nangunguna si Miller at Ellis ayon sa pagkakasunod. (Mae Balbuena)