Sa kanilang laro noong Martes, ipinakita ng Burger King na hindi na sila madadala ng ‘physical game’ ng Toyota Balin-tawak.
“In the past kasi pa-rang nagiging cry baby ‘yung mga players ko eh. Kapag nasiko sila or na-suntok ng particular player ng Toyota, nagsusum-bong sila sa referee. But in our game last Tuesday they dealt with the infamous physical play of Toyota,” ani coach Law-rence Chongson.
Sa nasabing 73-68 pa-nalo, pinuwersa ng Whoppers sa isang ‘sudden death’ ang kanilang quar-terfinal match up ng Roadkings, may hawak na ‘twice-to-beat’ advantage bilang No. 4 team.
Inaasahan ni Chong-son na mas magiging pisikal pa ang banggaan ng Burger King at ng Toyota ngayong alas-3 ng hapon sa 2007 PBL Unity Cup sa Olivarez Sports Center sa Paranaque.
Ang mananaig sa pagitan ng Whoppers ni Chongson at ng Road-kings ni Ariel Vanguardia ang siyang hahamon sa No. 1 Cebuana Lhuillier Moneymen ni Luigi Trillo sa best-of-three semifinals series sa Sabado sa The Arena sa San Juan.
Inaasahan naman ni Vanguardia na makaka-bangon ang Toyota, nasa isang four-game losing skid sapul nang dumating si Fil-Am Joe Devance, para umabante sa semis kontra Cebuana Lhuillier.
Magtatagpo naman sa isa pang semis series ang nagdedepensang Har-bour Centre at Henkel-Sista, iginupo ang San Miguel-Magnolia, 70-59, sa quarterfinals sa likod ng pamamayani ni Fritz Bauzon. (Russell Cadayona)