Kung dinomina ng No. 3 Henkel-Sista ang kani-lang unang dalawang laban ng No. 6 San Miguel-Magnolia, nagba-wian naman sa isa’t isa ang No. 4 Toyota Balinta-wak at Burger King.
Sa kanilang unang pagtatagpo noong Mayo 1, isang 82-66 panalo ang kinuha ng Roadkings ni coach Ariel Vanguardia bago nakabangon ang Whoppers ni mentor Law-rence Chongson noong Mayo 26 sa bisa ng 78-75 tagumpay.
“We cannot afford to lose this game kasi a win will get us to the semifinals,” sambit ni Vanguar-dia sa paghaharap ng Toyota at Burger King ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng Henkel-Sista at SMC-Magnolia sa alas-4 sa quarterfinals ng 2007 PBL Unity Cup sa Olivarez Sports Center sa Para-ñaque.
Ang mananaig sa Roadkings at Whoppers ang siyang hahamon sa No. 2 at nagdedepensang Harbour Centre Batang Pier sa best-of-three semifinals series, samantalang ang susuwertihin naman sa pagitan ng Super Sealers at ng Beverage Masters ang sasagupa sa No. 1 Cebuana Lhuillier Moneymen.
Kung may bentahe mang nakikita ang Burger King, nagposte ng 4-0 rekord bago mahulog sa isang seven-game losing slump, ito ay ang pagba-balik ni Fil-Am power forward Joe Devance sa Toyota.
Sapul nang bumalik ang 6-foot-5 na si De-vance noong Mayo 19 ay tatlong sunod na kabiguan ang natikman ng Road-kings, ang huli ay sa Whoppers, 75-78, noong Sabado.
Sa ikalawang laro, hindi naman gagamiting basehan ni coach Caloy Garcia ang kanilang 71-62 at 67-61 paggupo sa SMC-Magnolia ni Koy Banal para umabante sa semis ang Henkel-Sista.
“There’s no guaranty that we can beat Magnolia again. Magnolia is a tough team,” wika ni Garcia. (RCadayona)