Konsehal Basillote gikiha

Batang Pier, Moneymen mag-uunahan sa No. 1

 

Paglalabanan ngayon ng defending champion Harbour Centre at Ce-buana Lhuillier ang No.1 spot sa pagsasara ng eliminations ng PBL Unity Cup sa The Arena sa San Juan.

Ang Harbour Centre at Cebuana Lhuillier ay kapwa may magkatulad na 9-2 baraha at ang magwawagi sa pang-alas-2 ng hapon nilang bakbakan ay ang kukuha ng liderato matapos ang two-round elims.

Isa pang kapana-panabik na aksiyon ang showdown sa pagitan ng Toyota Balintawak at Burger King sa alas-12 ng tanghali at ang salpukan ng Dazz ‘Sang Patak at San Miguel-Magnolia sa alas-4 ng hapon.

Nakataya sa laban ng Toyota at Burger King ay ang ikalawang twice-to-beat privilege sa susunod na round.

Nakuha ng Henkel Sista ang unang slot matapos ang 87-73 nilang tagumpay laban sa Dazz may dalawang araw na ang nakalilipas. (RC)

Show comments