Natalo man siya sa katatapos na eleksyon para sa isang Congressional seat sa South Cota-bato, may karangalan namang tatanggapin si Manny Pacquiao sa larangan ng international boxing.
Nakatakdang igawad kay Pacquiao ni world super middleweight champion Joe Calzaghe ang “Fighter of 2006” award sa 82nd Annual Awards Dinner ng Boxing Writers Association of America (BWAA) sa Hunyo 8 sa Copacabana sa New York.
Ibibigay ni Calza-ghe, hindi pa natatalo sa kabuuan niyang 43 laban na tinatampukan rin ng 32 knockouts sa world super middleweight division, ang Edward J. Neil Trophy sa 28-anyos na pambato ng General Santos City.
Ayon sa tubong New-bridge, Wales na si Cal-zaghe, isang malaking karangalan para sa kanya ang iabot kay “Pacman” ang naturang boxing trophy.
“It is an honor to be se-lected to present this award to boxing’s most exciting fighter,” wika ni Calzaghe. “I look forward to a great night at one of boxing’s most cherished events.”
Ang parangal bilang “Fighter of 2006” kay Pacquiao ay base na rin sa kanyang panalo kay dating three-time world champion Erik Morales ng Mexico noong Nobyem-bre ng 2006 na tumapos sa kanilang ‘trilogy’.
Maliban kay Pacquiao, gagawaran rin ng BWAA ng Futch-Condon Award para sa “Trainer of the Year” ang 47-anyos na trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach.
Ang iba pang awar-dees ay sina Muhammad Ali (Pat Putnam Award “For Perseverance.”), Kevin Cole (Nat Fleischer Award for “Career Achievement in Boxing Journalism”), Somsak Sithchatchawal vs Mahyar Monshipour (Harry Mark-son Award for “Fight of the Year”), Steve Albert (Sam Taub Award for “Excellence in Broadcast Journalism”), Lee Samuels at Ricardo Jimenez (Marvin Kohn “Good Guy” Award), Larry Merchant (James J. Walker Award for “Long and Meritorious Service”) at Ron Scott Stevens (James A. Farley Award “For Honesty and Integrity”). (RCadayona)