Matapos ang malam-yang laro sa unang tatlong quarter, nag-init ang 6’1 guard nang magpakawala ito ng 7 puntos sa 16-5 salvo para itabla ang iskor sa 67-all.
Mabilis namang naka-balikwas ang Super Sealers nang umiskor ito ng dalawang sunod na basket para sa 71-67 abante may ilang minuto na lamang ang nalalabi sa laro.
Ngunit hindi basta-basta sumuko ang defen-ding champion na Batang Pier at nagtulungan sina Jason Castro at Edwin Asoro bago ipinalasap ni Ronnie Matias ang kahuli-hulihang abante ng kani-lang team sa pama-magitan ng split charity, 72-71 may 35 tikada na lamang ang nalalabi.
Dito nabuo ang desisyon. Nabigyan ng go signal para mag-shoot, bumomba si Duncil at pumeke bago itinira ang three-point na pumigil sa hininga ng mga mano-nood at nag-ingay ang mga fans ng Harbour nang sa kasamaang palad ay nagmintis ito. Mabuti na lamang at nakahugot ito ng foul mula kay Gester Ebuen.
Dito isiniguro ni Duncil na hindi na siya magmi-mintis at kanain ang 74-72 abante may 23 segundo na lamang ang nalalabi.