Ito ang prediksyon kahapon ni trainer Freddie Roach sa inaasahan niyang pagpapabagsak ni Filipino international super featherweight champion Manny Pacquiao sa featherweight na si Solis sa kanilang laban sa Abril 15 (Manila time) sa Alamodome sa San Antonio, Texas.
"I just don’t feel he’s not strong enough to fight Manny at the 130 pound weight limit coming from 126 pounds," wika ni Roach sa 5-foot-7 na si Solis. "I don’t think this fight will be a problem for Manny."
Sa kabila ng pagsasanay kay world junior middleweight champion Oscar Dela Hoya sa Puerto Rico, palagian namang nagkakausap sina Roach at Pacquiao kaugnay sa training at sparring nito na pinamamahalaan ni Justin Fortune.
Dadalhin ni Pacquiao sa ibabaw ng lona ang kanyang 43-3-2 win-loss-draw ring record tampok ang 34 knockouts, habang taglay naman ng 27-anyos na si Solis ang 32-0-2 slate kasama ang 23 KOs.
Ayon kay Roach, wala siyang nakikitang mabibigat na nakalaban si Solis sa mga pinabagsak niyang 23 karibal bilang isang featherweight fighter.
"He’s a little bit taller like Erik Morales. He’s a pretty good fighter and comes to you. He has 32 wins and 23 knockouts but I don’t recognize any big names on his record," sabi ni Roach sa rekord ni Solis.
Sa sinasabing ‘sigalot’ nila ni Fortune, assistant niya sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California, sinabi ni Roach na wala silang away nito at tiyak siyang darating sa oras ng laban ni Pacquiao kay Solis. (Russell Cadayona)