Ang Baguio ang venue ng All-Star game sa siyang tampok sa limang araw na pagbibigay kasiyahan sa mga fans habang bukod pa sa three-point shootout at slam dunk contests.
Ang La Union ang site ng Blitz Game at skills challenge.
"Baguio City and San Fernando, La Union hosting the PBA All-Star caravan this summer is simply perfect, the two provinces having been known not only for their passion for basketball, but also as favorite destinations of many during this time of the season," pahayag ni league commissioner Noli Eala.
Patuloy pa rin ang fan voting para sa starting units ng North at South squads sa mga game venues, internet at sms ngunit ang resulta nito sa susunod na buwan.
Makikibahagi pa rin ang mga miyembro ng RP men’s team ni coach Chot Reyes na naghahanda para sa dala-wang major international tournaments sa All-Star weekend, kaya masisilayan pa rin ng mga fans sina Asi Taulava, Jimmy Alapag, Ren-Ren Ritualo, Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, Danny Seigle, Dondon Hontiveros, Tony dela Cruz, Mick Pennisi, Ranidel de Ocampo at Kerby Raymundo kahit hindi nag-lalaro ang mga ito sa kumperensiyang ito dahil sa kanilang responsibilidad sa national team.
Hinugot ang 11-player sa kanilang teams sa kabuuan ng Talk ‘N Text-PBA Fiesta Conference para magtraining para sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Championship sa Thailand na magiging daan sa FIBA-Asia Olympic qualifying tournament sa Japan.
Ang national team coach na si Chot Reyes at Ba-rangay Ginebra mentor Jong Uichico na mga finalists sa nakaraang Philippine Cup ang magmamando ng dalawang All-Star teams.
Sa side events, napanatili ni Niño Canaleta ang kan-yang slam dunk title, si Williams ang nanalo sa three-point shootout at si Willie Miller ay nanalo sa Trick Shot at Obstacle Challenge habang nakopo naman ni Gilbert Omolon ang kanyang ikalawa Blitz Game MVP trophy matapos pamunuan ang Sophomores kontra Rookies, 130-123. (Mae Balbuena)