Gusto ng 28-anyos na si Pacquiao, na personal na panoorin ang laban ng 34-anyos na si Peñalosa kay World Boxing Organi-zation (WBO) super ban-tamweight champion Daniel Ponce De Leon ng Mexico sa Marso 17 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ang naturang upakan nina Peñalosa at Ponce De Leon ay magsisilbing undercard sa world super featherweight champion-ship fight nina Marco Antonio Barrera at Juan Manuel Marquez.
Tangan ni Peñalosa ang 51-5-2 win-loss-draw ring record kasama ang 34 knockouts, habang dala naman ng 26-anyos na si Ponce De Leon ang 30-1 (28 KOs).
Kasalukuyang nag-eensayo si Peñalosa, dating naghari sa super flyweight division ng World Boxing Council (WBC), sa Wildcard Boxing Gym ni trainer Freddie Roach sa ilalim ni Justin Fortune na siya ring mag-aasikaso kay Pacquiao.
Katulad ni Peñalosa, nasa maigting ring prepa-rasyon si Pacquiao sa ABAP Gym sa General Santos City para sa kan-yang pagdedepensa sa suot na WBC International super featherweight crown kay Mexican Jorge Solis sa Abril 14 sa Alamo-dome sa San Antonio, Texas.
Sa kanyang sparring session noong Huwebes, pinabagsak ni "Pacman" si lightweight Jesar Anca-jas mula sa isang left uppercut sa second round.
Maliban kina Anca-jas at Aaron Melgarejo, sinabi ni trainer Buboy Fernandez na nagha-hanap pa sila ng isang lightweight para ma-ging sparring partner ni Pacquiao sa hangaring lalo pang mapatibay ang suntok at mapino ang mga galaw nito pagsapit ng kanilang laban ni Solis. (Russell Cadayona)