Ginebra at import kakaliskisan

Sa wakas ay sasabak na sa aksiyon ang Ba-rangay Ginebra sa season ending confe-rence na PBA Fiesta Cup.

Matapos nam-namin ang pagha-hari sa nakaraang PBA Philippine Cup, magsisimula na sa pagharap sa mahigpit na hamon ang Gin Kings para sa kanilang tangkang back-to-back title.

Lalaro silang walang Mark Caguioa at Jayjay Helter-brand ngunit nariri-yan sina Rudy Hatfield at im-port Rod Nealy.

Dahil nakatak-dang ikasal si Rudy Hatfield na kasabay ng FIBA-Asia Cham-pionships, umatras ito sa national team ni coach Chot Reyes.

At ang kanyang pananatili sa Ginebra ay isang malaking kalu-wagan sa Gin Kings na kakaliskisan ngayon ng Alaska Aces sa tampok na laro sa alas-6:35 ng gabi sa Araneta Coliseum.

"Ginebra will be a pretty tough team with Hatfield back," pahayag ni coach Tim Cone ng Alaska.

Masusukatan ng galing si Nealy ng bete-ranong si Rosell Ellis na magbabalik-import para sa Aces na magtatang-kang isubi ang ikala-wang sunod na panalo.

Makakatulong ni Nealy sina Erik Menk, Johnny Abarrientos, Rod-ney Santos at Hatfield.

Ang tagumpay ng Alaska na katabla ang Air21 sa 1-0 kartada ay maghahanay sa kanila sa Red Bull at Coca-Cola na magkasalo sa 2-0 record.

Sa unang laro, sisika-pin na-man ng Wel-coat at Sta. Lucia na maka-bawi sa masak-lap na pagkatalo sa kani-kani-lang open-ing games sa alas-4:05 ng hapon.

Natalo ang Welcoat sa Coke sa likod ng kanilang dalawang import na sina Alex Compton at Charles Clark habang sumub-sob naman ang Sta. Lucia, ang paboritong team ngayon, kontra Express noong Miyerkules. (Mae Balbuena)

Show comments