Si Pacquiao pa rin ang nasa isip ni Barrera

 Kasabay ng kanyang maigting na paghahanda sa kanyang pagdedepensa kay Juan Manuel Mar-quez, nakatuon naman ang isipan ni world super featherweight champion Marco Antonio Barrera kay Filipino boxing hero Manny Pacquiao. 

Ayon ka Barrera, matapos ang kanyang pagdede-pensa kay Marquez ay pipilitin naman niyang maitakda ang kanilang rematch ng 28-anyos na si Pacquiao bago matapos ang taon. 

"I expect to fight Marquez and perhaps one more fight then I want to retire this year," ani Barrera, may 63-4 win-loss record kasama ang 42 knock-outs, kahapon patungkol kay Pacquiao, may 36-2 (33 KOs). "I have done many things in boxing and it’s time for me to retire." 

Si Barrera, dalawang ulit ring tinalo si Erik Morales kagaya ni Pacquiao, ang kasalukuyang super feather-weight king ng World Boxing Council (WBC). 

Matatandaang pinatigil ni Pacquiao si Barrera sa 10th round ng kanilang "People’s Featherweight Championship" noong Nobyembre ng 2003 sa Alamodome sa San Antonio, Texas. At matapos ang naturang kahihiyan kay "Pacman", magkakasunod na panalo ang kinuha ng 32-anyos na si Barrera, kasama na rito ang dalawang sunod kay American Rocky Juarez, patungo sa kanyang pagiging WBC super featherweight champion. 

Bilang preparasyon sa upakan nila ni Marquez, tangan ang 46-3-1 (35 KOs), sa Marso 17 sa Man-dalay Bay sa Las Vegas, Nevada, ilang Japanese fighters ang kinuha ng kampo ni Barrera bilang spar-mates. 

"I enjoy training with Japanese fighters because they  of heart and dedication. They have good boxing skills, plus are durable boxers. And I like that," wika ng tinaguriang "Baby Faced Assasin". 

Samantala, tig-anim na round naman ang ginawa ni Pacquiao sa ABAP Gym sa General Santos City laban kina sparring partners Aaron Melgajero at Ancajas bilang preparasyon sa kanyang WBC International super featherweight fight kay Mexican Jorge Solis sa Abril 14 sa Alamodome. (Russell Cadayona) 

Show comments