Binigyan kislap ng 16 anyos na nakatapak na si Lany Cardona ang araw nang magreyna ito sa girls 3,000m run sa oras na 12 minuto at 8.3 segundo para sa unang ginto ng Panga-sinan sa ilang linggong event ng una sa limang yugto na serye at suportado ng The Philippine Star, Globe Tele-coms, AMA Computer University, Accel, Asia Brewery/Absolute, Negros Navigation at Creativity Lounge.
Pumangalawa naman ang kakampi ni Cardona na si Vanessa Membrado para sa silver sa tiyempong 13:07.01.
Ang gintong medalya ay agad pang nasundan nina Theresa Caaya at Rochile Corpuz na namayani sa discus throw at long jump, ayon sa pagkakasunod.
Naghagis ng 26.23m si Caaya para talunin ang Ba-guio bets na sina Stephanie Lictay at Amelene Castro na may 26.06m at 25.58m, habang tumalon naman si Corpuz ng distansiyang 5.10m upang talunin ang kakamping si Rhemilyn Soriano 5.04 at Rochelle Olegerio 4.55m ng host Ilocos Sur.
Ngunit nagnakaw ng eksena ang 18 anyos na si Cesar Castaneto na naka-sungkit ng kauna-unahang ginto para sa Baguio City nang maghari ito sa 5,000m run (17:50.1) at daigin sina Kiven Areglado ng La Union na nagsilver (17:50.4) at Jaypee Dayag ng Cagayan.
Sa panghapong event, naitala ni Joebert Maraya ang ikaapat na ginto para sa Pangasinan nang maghari ito sa 100m hurdles sa loob ng 16.1 segundong bilis upang daigin sina Rico Pingol ng Baguio (16.2) at Billy Joe Binas ng Nueva Ecija (17.2).
Ang ikalimang gold ng Pangasinan ay mula kay Rhemilyn Soriano na nanaig sa 100m.