Ilang beses nang nag-tangkang pumasok sa PBA si Compton ngunit ngayon lang siya mapag-bibigyan.
Pumirma si Comptom ng kontrata sa Welcoat Paints na tatagal lamang ng isang kumperensiya.
Nakatakda itong sumabak sa aksiyon sa opening day ng PBA Fiesta Cup sa Linggo kung saan makakalaban ng Dragons ang Coca-Cola sa opening game sa Cuneta Astrodome sa alas-4:00 ng hapon.
Si Compton ay lalaro bilang ikalawang import ng Welcoat. Pinayagan ng PBA na kunin si Compton dahil sila ang nangulelat sa nakaraang Talk N Text PBA Philippine Cup.
Ang totoong import ng Welcoat ay si Charles Clark.
Sa tulong ni Compton at ni Clark, inaasahang magiging maganda ang tsansa ng Dragons lalo pa’t ang malalakas na team gaya ng Philippine Cup champion na Ginebra, runner-up na San Miguel Beer at Talk N Text ay magpapahiram ng kanilang mga marquee players sa national team ni coach Chot Reyes.
Sa kontratang pinirma-han ni Compton, tatang-gap ito ng P300,000 sahod kada-buwan.
Ipinakiusap ng Wel-coat sa PBA na payagan silang kuhanin si Compton bilang ikalawang import na pinaunlakan ng Board dahil sa kulelat na pag-tatapos ng Dragons sa kanilang debut confe-rence.
Makakatapat ni Clark si Anthony Johnson ng Tigers. Ang dating import na si James Penny na-man ang makakasama ng Red Bull.
Dumating na kahapon si Marquine Chandler, ang import ng Purefoods ngu-nit may injury ito at depende pa sa kanyang sitwasyon kung palalaruin ito.
Kung hindi, ang stand-by import na si Jesse King ang isasalang ng TJ Giants.
Isang Kelly Whitney mula sa Seton Hall Uni-versity ang inaasahang maging import ng Beer-men na nag reactivate din kina Brandon Lee Cablay at Francis Adriano upang punan ang pagkawala nina Dondon Hontiveros at Danny Seigle na ipi-nahiram sa national team.