Kabiguan ni Z Gorres, tagumpay nina Bautista at Jaca

Mananatiling isang ‘pa-naginip’ ang pagiging hari ni Filipino Z "The Dream" Gor-res sa world super flyweight division.

Ito ay matapos itakas ni Mexican Fernando Montiel ang isang split deci-sion sa kanilang 12-round championship fight ni Gorres upang patuloy na pamahalaan ang World Boxing Organization (WBO) super flyweight class sa "Moment of Truth" kamaka-lawa ng gabi sa dinumog na Cebu City Sports Complex.

Kinuha ni Montiel ang 115-111 iskor mula kay judge Raul Caiz at 114-112 kay Chuck Giampa na nagpalu-bog sa ibinigay na 115-111 ni Denny Nelson kay Gorres.

Sinasabi ring nakaapekto sa pag-iskor nina Caiz at Giampa ang dalawang point deduction kay Gorres mula sa panghahawak nito kay Montiel, ibinabandera ang kanyang 33-2-1 win-loss-draw ring record kasama ang 24 knockouts, sa 10th at 12th round.

Ang naturang dalawang point deduction ni New York-based referee Sammy Viruet ang inireklamo ng trainer ni Gorres na si Edito Villamor bunga ng kawalan ng warning bago ito ipataw.  

"He can be a world champion soon. He did a good performance tonight," sabi ng 27-anyos na si Mon-tiel, matagumpay na naide-pensa ang kanyang WBO super flyweight crown sa ikaapat na sunod na pagka-kataon matapos itong mako-po noong Abril ng 2005 sa kababayang si Ivan Hernan-dez, sa 24-anyos na si Gor-res, may 26-2-1 (14 KOs) slate ngayon.

Kung kabiguan ang na-lasap ni Gorres, mga tagum-pay naman ang nakuha nina super bantamweight sensa-tion Rey "Boom Boom" Bau-tista at super featherweight Jimrex Jaca.

Umiskor ang 20-anyos na si Bautista ng isang 3rd round TKO kay Mexican Marino Gonzales para iangat ang kanyang rekord sa 22-0 (17 KOs), samantalang pina-bagsak naman ni Jaca si Simson Butar-Butar sa 7th round para agawin ang WBO Asia-Pacific super feather-weight title ng Indonesian fighter. (RCadayona)

Show comments