Dioceldo Sy, babalik sa PBL kasama ang Noosa?

Malamang na malamang na, babalik sa PBL ang dati nitong chairman na si Dioceldo Sy, ng Ever Bilena at Careline Cosmetics.

Pero ang dadalhin niyang produkto ay ang hit na hit ngayong Noosa shoes na paborito ng marami.

Kung alam nyo yung sikat na sikat na Crocs na hit na hit din sa US at Europe, ang Noosa ang siyang local version.

At dahil gumaganda ang sales nito kahit na wala pa siyang advertising, naiisip na ni Sy na magbuo ng team to further promote the product.

Magandang balita yan para sa PBL dahil mada-dagdagan na naman sila ng team next conference.
* * *
Tutuo ba? Ang Mail and More na nakapasok sa Final 4 ng PBL nitong nakaraang conference ay magpapalit na ng pangalan next conference?

Magiging Burger King na raw ito. Same owners, same management.
* * *
Nagbubuo na sila ng isang national team para sa darating na FIBA tournaments.

Meeting na sila ng meeting nitong mga nakaraang araw. Ang kasunduan, kapag may napiling PBA player, ipu-pull out siya sa team niya at hindi na siya makakalaro.

Sa national team na lang siya maglalaro up to the 2008 Beijing Olympics, yan ay kung magka-qualify tayo.

Nagbigay na ng listahan ng pagpipilian and as expected, marami sa mga ito ay Fil-Ams.

Helterbrand, Menk, Caguioa, Taulava, Alapag, Reavis, Hatfield, etc.

It’s not going to be a Philippine national team.

It’s Fil-Am national team.

To think that only a few years ago, we were contesting about Fil-shams!

In fact, we even suspended Fil-shams.

Tsk-tsk-tsk....
* * *
Ngayon, more or less, para dun sa mga nagtata-ka, alam na natin ang dahilan kung bakit marami sa mga sinuspindeng Fil-shams ay nakabalik na.

What a foresight, huh!

At di nyo ba napapansin, yung mga opisyales at magigiting na players na nakikipaglaban pa noon sa Senado against Fil-Ams and Fil-shams ay tahimik na sa lungga nila ngayon.

Hindi na nagsasalita. Hindi na nakikipaglaban.

Napagod na rin ba sila?

Hindi ba sila napakinggan?

O may iba pang dahilan?

Show comments