At ito ay hindi isang San Miguel Corporation team?
Nagtatanong lang po....
Nagtatanong lang naman po.....
As in totohanan na yan.
Magkaroon kaya ng oras si Manny sa Kongreso lalo na kapag may malaki siyang laban?
Si Jerby ay tubong-Bataan at naglaro para sa Mapua Red Robins a few years ago.
Pagka-graduate, naglaro naman siya para sa Mapua Cardinals.
Sa darating na 2007 NCAA season, ikalimang taon na ni Kerby bilang Mapua player at ang tangi niyang dasal ay ang maging champion naman ang Mapua.
Si Jerby ay 21 years old at sa ngayon, isa siya sa importanteng players ng Mail and More.
Pangarap siyempre ni Jerby na makalaro siya sa PBA but that will have to come late this year o kung hindi man, next year na.
Isang Mechanical Engineering student sa Mapua si Jerby at sabi nga niya, kahit mahirap ay pinipilit niyang pagsabayin ang pag-aaral niya at ang paglalaro.
Mahirap ang dalawang beses na practice sa isang arawâ€â€Âisa sa Mail and More, at isa pa para sa Mapua at pagkatapos eh tatakbo ka papuntang eskuwela para naman sa klase pa.
"Ipinangako ko sa magulang ko na tatapusin ko ang pag-aaral kahit na naglalaro pa ako ng basketball," sabi ni Jerby.
Naniniwala kaming hawak ni Jerby ang isang magandang kinabukasan sa basketball dahil bukod sa matangkad siya eh ika nga, he’s got the moves. Sa darating na NCAA, inaasahang pangungunahan niya ang MIT Cardinals sa hangarin nitong maging kampeon ulit sa NCAA.
Si Jerby ay panganay sa tatlong magkakapatid, kabilang ang nakababata niyang kapatid na si RJ del Rosario na isa ring basketball player. Ipinanganak noong June 1, 1995 at ang mga magulang niya na taga-Orion Bataan ay sina Efren at Florentina del Rosario.
Pangarap ni Jerby, maiahon ang kanyang pamilya sa pama-magitan ng magandang kapalaran sa basketball.
Tandaan nyo ang pangalan na yanâ€â€ÂJerby del Rosario!