300 riders sali sa Pista ng Pag-ibig bikefest

 Umabot na sa 300 riders ang nagparehistro para sa road events lamang ng 3rd Pista ng Pag-ibig Eagle of the Mountain Cycling Challenge na iho-host ni Mayor Abraham ‘Bambol Tolentino ngayon at bukas sa Tagaytay City.

Inaasahan din ang may isang daan din ang kasali sa mountian bike at juniors (18-under) compe-titions sa karerang mag-sisilbing unang serye ng trials para sa pagpili ng national team na kakata-wan sa 24th Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyembre at iba’t iba pang international events.    ÃƒÂ¢Ã¢â€šÂ¬Ã…“This year the registry has gone bigger and we expect the races to be more exciting and more tightly-fought,” ani Tolen-tino, na siya ring secretary general ng National Chess Federation of the Philippines.

Ang elite o open cate-gory para sa national team aspirants sa ilalim ng PhilCycling--na siyang nagbigay ng basbas sa karera-- ang magkakarera ngayon sa 165-km massed start event sa out-and-back course sa Tagaytay International Convention Center. Bukas naman ang 40-km indivi-dual time trial event .

Show comments