RP Davis Cup team hahataw na

Magpapakitang gilas ang Philippine team sa pangunguna nina Cecil Mamiit at Eric Taino sa opening singles laban sa Pakistani sa pagsisimula ng Davis Cup Asia Ocenia Group II tie sa Rizal Memorial Tennis Center.

Makakasagupa ni Mamiit ang Pakistani No. 2 player na si Jalil Khan, habang makakalaban ni Taino si Aqeel Khan sa singles matches na mag-sisimula sa alas-10:00 ng umaga.

Mapapasabak din sina PJ Tierro at Johnny Arcilla sa doubles bukas laban kina Yaasir at Shafik ngu-nit maaari pang magpalit ng lineup base sa rules.

Ang Pakistan na na-laglag sa Group 1 noong nakaraang taon ay papa-ngunahan ni Yasir Khan, batang kapatid ni Aqeel na si Jalil at Asim Shafik.

Nakawala ang RP sa Group III via sweep ng limang ties noong naka-raang taon at kung sila ay mananalo ay kakalabanin nila ang winner ng New Zealand-Asia Pacific tie sa semifinals para malaman kung sino ang uusad sa Group I. (MBalbuena)

Show comments