"Wala na talaga akong ibang iniisip kundi ang laban namin ni Fernando Montiel," wika ni Gorres, ang kasalukuyang Philip-pine super flyweight champion, sa kanyang pagsagupa sa Mexican warrior na nauna nang inutusan ng WBO na itaya ang kanyang korona sa Filipino fighter.
Kumpiyansa naman ang 19-anyos na si Bau-tista na matatalo niya si Colombian Feider Viloria sa kanilang ban-tamweight bout.
"Kapag nanalo ako kay Viloria, siyempre may chance akong makakuha ng isang championship fight sa US. Kaya kaila-ngan talagang talunin ko si Viloria," sabi ni Bautista, ang sinasabing susunod sa kasikatan ni Filipino boxing hero Manny Pac-quiao.
Hindi pa man naka-kalaban si Viloria ay itinakda na ni Oscar Dela Hoya ng Golden Boy Promotions ang pakikipagbanggaan ng 19-anyos na si Bau-tista kay Sergio Medina ng Argentina sa Mayo 5 bilang undercard sa Dela Hoya-Floyd May-weather, Jr. world championship sa Las Vegas, Nevada.
Upang lalo pang paigtingin ang pag-hahanda nina Gorres at Bau-tista, nakatakdang dumating sa bansa si trainer Freddie Roach sa Pebrero 17.
Bukod kina Gorres at Bautista, ang iba pang Pinoy na makikita sa aksyon sa "The Moment of Truth" ay sina Jimrex ‘The Executioner’ Jaca, Alex John Banal, Bert Batawang, Milan Milendo, Joseph Omanz, Juan Martin Elorde, apo ng boxing legend na si Gabriel "Flash" Elorde, at Weng Haya. (RC)