Sista, Cebuana sa q’finals

Hindi siya kasinlaki, ka-sinlapad at kasinlakas ni 6-foot-8 Nigerian Sa-muel Ekwe ng Magnolia Dairy Ice Cream. Ngunit hindi ito naging hadlang para tulungan ni Laurence Bonus ang Sista Super Sealants sa pag-abante sa quarterfinal round.

Tumipa ang patpating 6’7 na si Bonus ng 10 puntos, 5 rebounds, 1 as-sist at 1 shotblock para sa 66-61 panalo ng Super Sealers sa Spinners sa ikalawang knockout round ng 2007 PBL Silver Cup kahapon sa Emilio Aguinaldo College Gym sa Taft Avenue.

Ang nasabing tagum-pay ng Sista ang nagtak-da sa kanilang quarterfinals game ng naghihintay na Harbour Centre bukas sa Olivarez Sports Center sa Parañaque.

"Si Laurence Bonus ta-lagang he looks deceiving because of his lean frame. Pero pagdating sa laro, bigay na bigay talaga ‘yan," pagpuri ni coach Caloy Gar-cia sa kanyang Super Sea-ler na siyang bumantay kay Ekwe.

Sa unang laban, umis-kor naman si 6’5 Ken Bono ng 26 marka, 6 boards at 3 assists sa 81-72 paggiya sa Cebuana Lhuillier kontra TeleTech para ayusin ang kanilang quarterfinals match ng Mail & More.

Tumipa si Bono ng isang tress sa inihulog na 11-0 bomba ng Moneymen para sa kanilang 75-71 la-mang mula sa 64-71 pag-hahabol.

Bunga ng pagiging No. 3 at No. 4, hahawakan ng Port Masters at Comets ang ‘twice-to-beat’ advan-tage kontra Moneymen at Spinners, ayon sa pagka-kasunod. (RCADAYONA)

Show comments