Ayon kay Soto, ang dating World Boxing Council (WBC) interim featherweight titlist, ang mga katulad ng laban kay Pacquiao ang kanyang hinihintay.
"That is what I am waiting for, a big fight, and if everything goes well, maybe I can get a fight with Manny before the year is over," panalangin ni Soto, nasa kampo rin ng Top Rank Promotions ni Bob Arum kagaya ni Pacquiao.
Matatandaang inihayag na ni WBC president Jose Sulaiman ang laban ni Pacquiao kay WBC featherweight champion In Jin Chi ng Korea sa Abril 28 sa Wynn's Hotel and Casino sa Macau, China makaraang mabigong itakda ang Pacquiao-Barrera rematch bunga ng 'contractual dispute' nina Arum at Oscar Dela Hoya ng Golden Boy Promotions.
Nagtungo naman ang grupo ni Soto sa Mexico City para mabatid kay Sulaiman kung ano ang plano para sa kanya.
Tinalo ni Soto si American Rocky Juarez noong Agosto 20, 2005 para sa WBC interim feather-weight title kung saan nabigyan naman si Juarez ng dalawang laban kontra kay Barrera.
Si Soto, matapos ang 16 buwan ay lumaban sa tatlong mahihinang boksingero, isa rito ay kay Ivan Valle noong 2006 para sa WBC super featherweight eliminator na siyang hahamon kay Barrera, magdedepensa kay Juan Manuel Marquez sa Marso 17 sa MGM Grand sa Las Vegas.
"I am the number two contender, and instead Barrera has been given permission to fight Marquez. If he cannot fight Pacquiao, I am the rightful contender," ani Soto, kinilala ng WBC bilang No. 2 contender sa ilalim ng No. 1 na si Pacquiao para sa super featherweight division. (RCadayona)